Marami nga ang naloka sa balita na ibinibenta na ni James Reid ang bahay niya at sa halagang P85 million, ha!

P85M na bahay: Yaman ni James Reid nakakagulat, kuwestiyonable

Marami nga ang naloka sa balita na ibinibenta na ni James Reid ang bahay niya at sa halagang P85 million, ha!

Marami rin ang nagta­tanong, bahay lang ba talaga niya ‘yon, o bahay nila ni ­Nadine Lustre? Eh, kasal ba sila para magpundar na magkasama, o magkasosyo?

Si Nadine ay nakatira na ngayon sa condo na pinundar niya noon pa man. Doon din kaya titira si James pagkatapos mabenta ang bahay niya?

Anyway, isa nga si Lolit Solis sa nagulat na nakapagpundar na pala si James ng ganoon kala­king property. Tinantiya nga niya ang mga taon na nag-aartista si James Reid, na gaano na nga kalaki ang kinita nito. Oo nga, 2014 lang nagsimu­lang sumikat si James, ‘di ba? At mabi­bilang pa sa mga daliri ang mga nagawa niyang pelikula at teleserye.

Sabi nga niya, parang tinalbugan pa ni James ang mga mala­laking artista, ha!

Imagine, sa Loyola Grand Villas ang location, na malapit sa Miriam College, Quezon City. Aba, location pa lang ng lupa, ang mahal-mahal na, ha!

At bongga na 1,000 square meters ‘yon, na may tatlong palapag. May pitong kuwarto, may dalawang malaking kusina, at fully soundproof recording studio, pa! At yes, may ma­laking swimming pool pa, ha! May kumpletong gym, at may lugar para sa anim na sasakyan na garahe.

Oh, ‘di ba? Nakakalula, ha! Kaya nga nalula talaga si Tita Lolit.

“Ang mahal naman ng house ni James Reid. Nabasa ko, P85M daw binibenta.

Ibig sabihin kumita na ng ganuon kalaki si James Reid? Ganuon kalaki kinikita niya?

“Bongga.

“Wala naman akong naririnig na business niya, or other source of income. Meron siyang ganuon kamahal na ­bahay.

“Naku ha, bigla baka mabulabog ang BIR na meron palang worth ng ganuon kalaking property si James. Baka ma-lifestyle check, hah hah, joke joke.

“Pero talaga inggit ako ha, imagine kumita na ng ganuon kalaki si James talbog pa iyon ibang artista ba meron negosyo at other source of income. Just asking ha, pero may halong inggit, hah hah.

“Sayang, sana P85K lang, puwede ko bilhin, pero P85M, shoot the moon, hah hah.”

Well, come to think of it, para ngang mapapaisip ka, na oo nga, kumita na ba talaga ng ganoon kalaki si James? Na kinabog pa niya ang mga sikat na artista ­talaga?

Although sikat naman talaga si James, pero wala ba siyang luho sa katawan, na pinagkagastusan niya sa mga kinita niya?

Naku, kaya pala mas ­gusto na niyang siya ang ­mag-­manage sa sarili niya, ­dahil malaki pala ang kita niya.

Pero, baka naman talagang masinop si James. Kaya nakapagpundar ng ganoon kala­king halaga na bahay.